Tuesday, March 22, 2011

Talambuhay ni Sherilyn Siazon

Dhoo She
Ang buhay natin ay puno ng pagsubok,tagumpay,at kabiguan.Lahat tayo ay may kanya- kanyang pahina at istorya ng ating buhay.Malungkot,masaya,galit hindi ito mawawala sa parte ng ating buhay.Kaya naman ako si Sherilyn Siazon 15 taong gulang anak nina Sherwin Siazon at Ailyn Siazon ay mag babahagi sa inyo ng aking buhay.
me and my brother
Sa ikaw unang araw ng Pebrero taong 1995 ako isinilang ng aking ina na si Ailyn Siazon sa Pampublikong ospital ng lungsod ng San Pablo.Naramdaman ko ang pagmamahal ng a king mga magulang.Nang akoy tatlong taong gulang nanganak ulit ang nanay ko at ito ay ang kapatid kong lalaking na si Prince Erwin Siazon.Habang kami ay lumalaki natutunan naming ang mga magagandang asal na tinuro samin ng aming mga magulang.Nang ako naman ay mag limang taon ay ipinasok naman nila ako sa kinder Garten sa aming barangay.Nang akoy makagraduate nakakuha ako ng dalwang medalya
Recognition day noong grade 1
Nang magsimula ako sa elementarya,Nag karoon ako ng maraming kaibigan.Sa unang baitang ay nagkaroon kami ng dalwang gurong tagapayo,dahil lumipat ng eskwelahan ang aming unang guro.Noong akoy nasa ikawlawang baitang inilipat ako ng akinhg guro sa section B,pero binawi rin niya ako dahil hindi daaw ako bagay sa section na iyon.Naranasan ko rin noon na pumasok pero wala akong kaklaseng nakita doon.Nalaman ko nalangt na wala pala kaming pasok ng sabihin iyon ng isa pa naming guro.Nang umakyat ako sa ikatlong baitang naranasan kong humanga sa isang lalaki,nag kacrush ako kay Nestor Dizon transferred student sya galing Cavite.Ang bait at sobrang cute nya lagi syang nakangite at hindi sya suplado.
Isa sa pinaka masayang Chilhood Life ko ay noong ako ay nasa ikaapt na baitang.Natatandaan ko noon ng mag intrams kami,tinawag ako ng mama ni Nestor at nagpicture ako kasama nila.Noong nagcamping naman kami dinalhan nya ako ng pag kain doon sa building na tinutulugan namin,lagi din niya akong pinupuntahan sa bahay namin.Noong naman nakarating ako sa ikalimang baitang ang daming kababalaghan nangyayari sa room namin,Yung isa kong kaklase ay nakakakita daw sya ng babaeng walang ulo at nakaitim na damit,Yung isa naman ay kinukuha daw sya ng kapre doon sa pinutol na puno.Nang makatungtong naman ako sa ikaw anim na baitang nakasali ako sa Siparnis at nakuha ko ang ikalawang pwesto at silver medal.Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko noon.Masaya kasi pag katapos ng anim na taon makakagraduate na ako sa elementarya.Malungkot kasi mag kakahiwa hiwalay na kami ng aking mga kaklase.
me and my friends
Nang mag HighSchool ako dito ko naranasan ang tunay na saya kasama ang tunay na barkada.Noong 1st year ako naging bestfriend si Chinee Liabres,Lagi kaming mag kasama.Marami kaming masayang moment ni Chinee.Pero nanlabo iyon noong nag 2nd year kami napalipat ako noon sa section B,sa dayi kong section na D.Wala na kaming naging komyunikasyon noon.Hindi narin kami nagkakasama hanggang sa ako ay nagkaroon na ng ibang kaibigan.Noong nag 3rd year naman ako,marami akong natutunang kawalanyaan dito ako natutong mag inom at mag cutting classes.Pero mas marami akong nakilalang bagong kaibigan.Simula noong sumayaw kami ng concert mas marami ng nakakakilala sa akin.Dito na buo ang G girls ang mga babaeng gala at mahilig sa gimik.

Dhooqueza Family
Nang mag bakasyon kami na buo ang Dhooqueza.Naging masaya ako sa bawat araw na kasama ko sila.Sa kanila ko rin nakilala si Jojie ex boyfriend ko.Nang ako naman ay mag 4th year na sobrang excited ako dahil gagraduate na ako ng high school.Sa 4 Conquerors sobrang saya namin lalo na noon nag swimming kami ng manalo kami sa cheer dance naramdaman ko ang concern ng mga kaklase ko at pati narin ang teacher ko.Nakakalungkot isipin na maghihiwahiwalay na kami sa aming eskwelahan na pinapasukan.Sana lahat kami ay makatapos ng pag aaral.

Tuesday, February 22, 2011

♥BUHAY DANCER talambuhay ni Rean Jen B. Cabrera



eto ang bago kong litrayo
kong galaw.nag aral ako sa margarita lopez laurel memorial elementary school.ang aking mg
una kong sayaw nung ako ay grade 1
Bata palang ako hilig ko na ang SUMAYAW.. suporta ang aking mga magulang sa aking kami ay tatlong magkakapatid at .ako ay bunso sa aming magkakapatid. sabi sa aking ng aking magulang di raw ako napayag kapag sa likod ako naka pwesto ng blokings dahil nagagalit daw ako .nang ako ay nag grade1 sumasayaw na ako sa aming paaralan at pati sa aming barangay.tuwang tuwa ang aking mga magulang dahil daw sa bibo a magulang ay si rhodora at jose cabrera hindi nila tinututulan ang aking pagsasayaw dahil alam nila na ito lamang ang aking kasiyahan.habang ako ay lumalaki na mas kinahihiligan ko ang pagsasayaw.nasayaw din ako sa aming simbahan(mormons) ang aming relihiyon.nang ako ay nag high school sa col.lauro d. dizon memorial national high school.ako ay setion 1b.nuong una naninibago ako sa aking mga kaklase dahil wala akong gasinong kakilala pero habang tumatagal ako ay nag karoon ng mga kaibigan  cla ang aking mga (tropapitz)sina lucky joy,eden joy,jean jelyn,jeniffer,angelia,trixia at syempre ako.ang saya ng aming samahan.dahil sa mga isip bata pa kmi  ay nag lalaro parin kmi ng chinisse garter at jackstone.nang ako ay mag 2nd year marami nang nagbago sa aking nag simula na ako magkaroon ng monthly period.at syempre pati ang pagkilos ko ay nagbago din.at nagkaroon ng competition para sa subject ng VALUES tinawag itong ETIKA sa umpisa natatakot kmi at kinakabahan pero ng magtagal sumali na kmi dito.at sa swerte namin kmi ang nag 1place nakatanggap pa kmi ng tpopi  

ist place sa(etika)
            

ang saya namin nuon dahil hindi kmi makapaniwala na mananalo tlaga kmi.nang ako ay mag 3rd year.mas marami akong aportunity para magsayaw. sumali kami sa cocofest ng street dancing at syempre nakamit namin ang OVER ALL CHAMPION .sumayaw din kami sa INTRAMUROS SAN JOSE para sa guesting namin at UKG ang umagang kay ganda. sumayaw rin kami sa ANILAG sa sta.cruz nakatanggap kami na 2nd place ..napaka daming naglaban pero nakapasok prin kmi nagkaroon ng shindig sa aming school at concert nung 3rd year,sumali rin kami dito .dito nabou ang GGURLS. na si inah ,shepay ,sarrah, at mhary .nung una talaga di kami magbabarkada noon pero ng nagtagal .nakuha namin ang loob ng isat isa .nag bonding bonding kami dahil lang sa pag papraktis ng syaw.dahil sa parepasrehas kami ng hilig.ang sarap nilang kasama pati ugali nagkakasundo kami.



sumayaw kami nung 3rd year sa concert

ang aking grupo sa labas ng school
ng kmi ay nag 4rth year.nag kahiwahiwalay kami dahil sa aming grase bumaba kasi ang aming marka .3 kming bumaba at sina sarah at mhary ay natira padin sa section b.nalungkot kami lahat dahil sa paghihiwalay ng aming section ngunit kailangan namin tanggapin ang aming pagbaba dahil gawa rin namin iyon . nang kami ay naging section4-c naiilang nanaman kami dahil bago nanaman ang aming kaklase kami kam lan ang magkakasama.kaming 3.. marami samin ang bumaba halos 20 kami.ang aming advicer ay si MRS.DADIVAS napaka bait na titser at malambing. para na namin syang ina dahil sa maalaga siya sa amin. masaya sa section C madami din maiingay kagaya ko kaya nagkakaunawaan kami sa mga kakulitan masarap din silang kasama.nagkarooon ng maraming activity sa aming .syempre dahil 4rth year na kami nagkaroon kami ng CHEERDANCE,at madami pang mga activity pero marami din mga MASASAMANG nangyare samin .nag kawalaan ng pera nag kaaway away .isa rin ako sa mga nawalan ng pera noon sobrang nanhinayan ako dahil sa mahirap makuha ang pera.nag swimming din kaming 4-c kala namin magiging masaya pero hindi pla dahil nangyari nanaman ang nakawan .nakautang pa naman kami kay mam dadivas para matuloy lan ang swimming.nawalan din ng cellphone ang clasmate ko at syempre alan na namin kung sino tlaga ang nakuha ng mga bagay na nawawala.BSFX-BLACK SQUAD FAST FORWARD ito ang pangalan ng grupong aking sinalihan sumali ako sa dance group ng labas ng school syempre sa una nakakapanibago dahil gabi kami kung mag praktis pero ng tumagal nag enjoy na ako kaya ako nakasali sa grupong iyon dahil kay JAYSON GARCIA o mas kilalang (sir.jayson) sumayaw kasi kami sa sm pra sa opening nito dahil kailangan ng dancer nakita ako ni sir. jayson at pinakilala sa kanyang mga anak .at syempre nag enjoy ako sa kanila dahil masarap silang kasama at puro bakla ang mga ka grupo ko.lagi kaming na contest sa ibat ibang lugar. 
 masarap pag na contest ka. dahil marami kang makikilalalng mga tao at mga dancer den. dun ko nakilala ang aking mahal na si kenneth. sya ay dancer din kid styler ang grupo niya kaya ko siya lubos na nakilala dahil sa kanyang mga pinsan na mga ka grupo ko na si ate beng at ate joan .nag swiming kasi kami ng mga ka grupo ko sa jarina at kasama siya noon nung una naiinis ako sa kanya dahil sa sobra niyang papansin sa akin .pero mabait naman pala siya dahil inalagaan niya ako. na touch naman ako doon dahil mabait siya ng pauwi na kmi inihatid niya ako at nag simula na siyang manligaw sa akin nung umpisa ayaw ko pang pumayag dahil mukang mayabang pero dahil sa mag sinasabi ng kagrupo ko naillab na rin ako sa kanya at hanggang ngayon ay kami parin dhil sa nag mamahalan kami .nung kami ay nag PASKO AT NAG NEW YEAR ang saya namin dahil sama sama ang aming buong pamilya . minsan nalang ulit iyon manyari sa aming pamilya pero malungkot ang aking mga kamag anak sa ibang bansa dahil sa hindi sila nakauwi .malaking pasasalamat namin ng maka graduate ang aking kapatid na panganay sa LAGUNA COLLEGE ng kursong NURSING 





nag caping ang kuya ko sa nursing
masaya ang aming pamilya dahil sa kanilang pag hihirap ay mayroon na siyang nakapag tapos na anak.pati rin ang aking pinsan na si katherine ay nakapasa sa nursing at syempre sa board exam.sumali ang dizon high sa cocofest street dancing ngayong taon  syempre todo praktis kamiat ang nagtuturo ay si sir.jayson na BUDOL BUDOL GANG KAMI nung jan.12 hindi namin inaasahan ang mga panyayari andaming nakuhanan ng cellphone at isang kwintas na gold.pero kahit ganon ay tuloy pa den ang mardigra at sa kasamaang palad hindi nakuha na paaralan ang 1place dahil 2nd place lan kami dahil sa kulang sa pondo ang aming paaralan.ang nag 1place ay ang laguna college. malungkot pero kailangang tanggapin. sana maulit ulit ang aming masayang pag sasama ng aking pamilya

ang aking pamilya




tropang p.
eto ang barkada ko ngayon 4rth year.mahilig kming gumala at mag foodtrip..makukulit at hilig mag boys hunting .minsan may tampuhan din kmi.kasi minsan hindi namin naiintindihan ang isat isa tulad nalang ngayon ,gagraduate na kami pero may nabuong hindi pagkakaunawaan pero kahit na ganon magkakasama paren kmi.GOOD LUCK SATING LAHAT..MAMIMISS KO KAYO:))

Sunday, February 20, 2011

Ang talambuhay ni Carl Lionel R. Gonzales

Noong ako na ay 16 na taon

Magandang araw po sa inyong lahat. Ako po si Carl Lionel Rillo Gonzales, lumaki sa isang simpleng pamumuhay sa piling ng aking mga magulang.

Ako po ang nagiisang anak ng aking mga magulang na sina Leonilo A. Gonzales at Rosalie R. Gonzales.

Sa aming pamilya lima lang kaming magpipinsan. Ako po ang panganay na pinsan nila. Kasunod ang aking pinsang babae na si Patricia G. manalo , Amiel Faye G. concepcion , Vincent G. Concepcion at ang bunsong si Seth Andrei G. Concepcion. Kami ngayon ay masayang namumuhay sa isa’t –isa. Ito po ang aming larawan na magkakasama sa pagsamba namin.

Ako at ang aking mga pinsan 

Marami akong naranasang paghihirap ganun na rin ang mga kaginhawaan na pinagkaloob sa akin ng Diyos na dakila sa lahat. Binagyan niya ako ng mga magulang na mapag-aruga at mabait. Sila ang pinaka “The Best”.
Naging sandigan ko ang aking mga tito at tita higit na dito ang aking tiya na si Cristina A. Gonzales. Siya ang tutustos sa aking pag-koklehiyo at nagbibigay tulong pinansyal sa aming pamilya. Ito ang aming litrato na kasama ko siya na hinatid sa Airport patungong Amerika.

Ako  at aking tita

Noong tumuntong na ako sa gulang na 11 kami ay lumipat sa isang simpleng bahay. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan at kalaro sa aming barangay. Nagsilbi silang tulong upang ako ay maging husto sa aking sarili. Ang iba kong mga kaibigan ay nagsilbing ehemplo ng malakas na pagtawag sa Diyos upang masagot ang lahat kong mga problema noong kami’y nasa Sta. Monica pa lamang. Naging Kaklase ko si Wilyn Balitaan na ngayon ay nasa pangalawang seksyon ng ika-apat na taon sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.

Sa aking paglaki at pagtungtong sa pagiging binata natutuhan kong mag ayos ng mabuti sa aknig sarili at pagiging madasalin upang magabayan ako ng Diyos sa aking pag-aaral.

Ang panahon nga naman napakabilis lumipas at tumuntong na agad ako High School. 1St year pa lamang ako agad ay naging presidente ng maraming asignatura. Ako rin ay naging soprts writer sa aming dyaryo sa Ramon, Isabela. Ako rin ay naging Clean and Green president sa aming eskuwelahan. Ako po ang kauna-unahang 1st year na studyante na nagkamit ng mataas na katungkulan sa aming paaralan. Masaya ang naging karanasan ko sa Isabela, nagsilbi ito na hindi hadlang ang edad upang magkamit na mataas na katungkulan.

Kapag Sabado at Linggo ako ay nagtitinda ng bibingka at cassava cake ng aking tiyahin uoang magkaroon ng pera upang panggastos sa aking pag-aaral.
Naging malungkot ako na lisanin namin ang Isabela upang mag aral sa minmahal kong San Pablo. Lumipat ako doon ng ako ay nagtapos sa unang taon ng High Scool. Nagkaroon ako nang maraming kaibigan at ang matalik kong mga kaibigan sa pangalawang taon ng aking High School ay sina Joden De Jesus at July Banaag. Sila ang naging sandigan ko.

Sa pagtutungtong ko sa ika-tatlong taon ng pagiging High School ako ay napababa ng seksyon dahil sa aking skait ang pagiging absenero sa aming klase. Kahit ganon ang nangyari sa akin ako ay nagkaroon pa rin ng maraming kaibigan sa aking seksyon.
Naging pinaka-masaya ang aking ika-apat na taon sa High School. Dahil doon ako nagkaroon nang maraming inspirasyon upang makapagtapos ng aking pag-aaral at maiahon ang aking pamilya sa paghihirap. Hindi ako titigil sa pagsisikiap upang matamo ang aking mga tinatamong pangarap.

Sa tagal kong nag-aaral sa mundong ito, napagtanto ko na hindi madali ang buhay sa Pilipinas. Kaya pinagsisikapan kong makapunta ng ibang bansa upang magkaroon ng sapat na buhay ang aking mga magulang.

Sa ngayon, tintamasa ko ang mga kaginhawaan sa pinansyal, sosyal , at emosyanal na estado ng aking buhay. Sila Mark Hernandez, Patrick Kyle Alvero at iba ko pang kaklase sa ika-apat na taon ng pagiging High School ang nagsilbing magagaling na kamag-aral ko at kaibigan.

Lumipat rin kami ng tirahan, sa Isabela, Sta. Monica, Pasig iba pang mga lugar bago ako makatuntong ng permanente dito sa San Pablo.

Grade III ako noon, nahihirapan ang aking tatay sa pag-hahanap ng trabaho upang maihahon kami sa kahirapan ganun na rin sa aking pag-aaral. Malayo kasi sa palengke dahil napilitan kaming lumipat. Naapaayos ang aming buhay ng kami ay lumipat na sa San lucas II ng tirahan. Lumipas ang isang taon naging maasenso kami kaya naahon kami ng aking tatay ng bahagya sa kahirapan. Nagkaroon kami ng sariling bahay na simple na malayo sa polusyon ng bayan.

Nagbago din ang trabaho ng aking tatay dahil siya ay namimili na ng mga alahas. Ang perang nalilikom namin sa araw- ay sapat na sa aming pamilya at panggastos sa aming kuryente at tubig. Ang aking ina naman ay meron ring trabaho sa opisina. Siya rin ang tumutulong sa aking tatay upang matutusan ang aking pag-aaral.Kapag walng puhunan ang aking ang aking tatay upang pamili ng alahas, ang nanay ko ang sumasaklolo sa aking tatay upang magkaroon ng puhuhanan sa pamimili ang aking tatay.

Noong ako ay 12 taon

Pagkatapos ng pag-aaral ko sa ika-apat na baitang, lumipat ulit kami sa Sta. Monica upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Kung saan- saang lugar kaminapapapunta, tuwing araw ng Huwebes at linggo,kami ay sumasamba upang magbigay puri sa Dakilang Diyos. Alam kong mahirap na trabaho ang ginagawa ng aking mga magulang kaya lagi kaming sumasamba upang humingi ng tulong sa Kanya. Hanggang sa dumating yung araw na nagpasya kami na tapusin ko ang elementarya sa Sta. Monica.

Bumalik kami sa dati naming tirahan sa Isabela. Ang bahay namin doon ay simple lamang ngunit puno ng kasiyahan.Kaya doon ako natuto magtinda ng bibingka at cassva cake upang magkapera. Nagsimula akong nagtinda ulit ng ako ay 1st year student doon.
Nanibago ulit doon buhay- mahirap dahil nakasanayan kong maginhawa ang buhay ko sa Sta. Monica. Balik naman ulit ang aking mga magulang sa kani-kanilang trabaho sa Isabela. kahit ganoon ang trabaho nila, msaya kaming namumuhay roon.Tuwing araw ng linggo, nasumasamba ulit kami sa Dakilang Diyos.


Nagpapsalamt kami lagi sa Diyos sa buhay namin. Naging mas masaya at masagana ang aming buhay. Bumalik ulit kami sa San Pablo upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Ayos pa rin naman kaming tatlo kahit papaano, nagkaroon ulit kami ng panibagong masayang buhay dito. Sa eskwelahan masaya naman ako maganda ang estado ng aking pag-aaral. Naging player din ako ng taekwondo sa kabutihang palad napili ako para buhay. nakikisalamhuha ako sa aking mga kaklasae at mga kagandahang asal at aral ang nakuha ko. Gagradute sana ako matiwasay at maayos.Mag co-college na ako kaya pinag ipunan na namin ang aking pagpasok sa St. Benildes sa pagdedesisyon ko at ang aking mga magulang.Ipagpaptuloy ko ang aking pagsisikap atpapasok ako ng mabuti sa papasukan kong eskuwelahan.

Ako at ang aking kuya



Salamat po sa inyong pagbabasa.!!!

Saturday, February 19, 2011

Talambuhay ni Jennise Inah De Leon Visleño

Eto ako ngayon

Ako si Jennise Inah De Leon Visleño kasalukuyang nasa ika 15 taong gulang. Ipinanganak ako noong Hunyo 15,1995 sa San Pablo City Hospital. Ang nagluwal sa akin ay si Jenny De Leon Visleño at ang tagapagtaguyod naman ng aming pamilya ay si Dennis Anouñuevo Visleño.

ako noong 1 yr. old

Panganay ako sa aming tatlong magkakapatid. Sa murang edad nakapag-asawa kaagad ang aking ina. Disi-otso anyos pa lamang siya nang mabuntis at disi-syete lamang ang ama ko. Ayon sa aking mga magulang nahirapan silang itaguyod ako dahil hindi pa sila ganoong kahanda para sa pag-aasawa, ngunit kahit ganoon hindi naman sila nagkulang sa pagpapalaki sa akin. Ganoon rin sa aking dalawa pang kapatid na sina Janine Maicha De Leon Visleño na 14 na taong gulang at si Mark Daniel De Leon Visleño na 3 taong gulang.


kme ng kapatid ko. 5 yrs. old ako

Noong 5 taong gulang ako kasalukuyang nakatira kami sa Brgy. San Anton. Ang aking ama ay maagang napalayo sa akin dahil sa kanyang trabaho sa Maynila, mahirap ito sa akin kasi bata pa ako parati akong naiyak kapag naalis na ang ama ko. Tuwing linngo ng gabi ito naalis at sabado ng gabi ito nauwi.Sa mga panahong ito ako ay kasalukuyang napasok ng Day Care I sa pinaka malapit na eskwelahan sa tahanan namin. Isa narin akong mananayaw noong bata pa lang ako. Napili ako ng guro ko bilang participant sa gaganaping day care event sa San Pablo City. LAking tuwa ng aking ina, lagi siyang nandoon at pinalalakas ang loob ko dahil sa matapang ang tagapagturo namin at natatakot ako. Ito ang pinaka unang beses kong sumayaw sa buhay ko at di ko ito malilimutan.
noong grumaduate ako ng day care I
Grumaduate ako ng Day Care I na si mama lang ang nandoon ngunit ayos lang iyon sa akin dahil ginagawa ni papa na mapalayo para makapag-aral ako. Umuwi ako ng aming tahanan na may dalang medalya at tuwang-tuwa naman ang aking papa.

Kme ni papa sa Villa Escudero
Grade I ako ng mapalipat ulit kami ng tahanan sa Brgy. San Joaquin, ito ay bahay ng aking lola. Malayo ito sa aking pinapasukan sa San Pablo Central School kasi ako nag-aral. Si Mrs. Tabanggay ang naging guro ko dito napaka bait niya. Ganoon parin laging nasa tabi ko ang aking ina hanggang sa recess,tanghalian ay lagingt nadoon siya upang gabayan ako. Patuloy parin ang aking pagsayaw, naimbitahan ako noon sa isa malaking magaganap na palabas sa central gym. Nadoon parin ang aking inang sumusuporta hanggang sa maimbitahan din akong sumayaw sa Pista Nang Pagkabuhay na ginaganap tuwing Mahal na araw. Isa ako sa naging angels noon under ito ng Villa Escudero, Sobrang laking oportunidad nito sa akin. Dito ko naranasan na unang beses makakita ng artista at si Aiza Seguerra ito. Dahil sa pagsayaw ko sa Pista Nang Pagkabuhay may Free Trip kami sa Villa Escudero, napaka ganda ng lugar na ito kaya hanggang ngayon ay hindi ko ito makalimutan. Maraming bagay na unang beses ko lang nakita at naramdaman dahil sa Villa Escudero.


Lumipat kami ng tirahan, sa bayan na ulit kami napatira. Grade II ako noon, nahihirapan kasi si papa dahil sa palengke siya nagtatrabho. Malayo kasi sa bayan ang San Joaquin bukid kasi ito kaya napilitan kaming lumipat. Lalong naging maganda ang buhay namin ng mapalipat kami ng tirahan. Lumipas ang taon naging maasenso kami kaya nakabili ang ama ko ng scooter at bahay. Nagkaroon kami ng sariling bahay malayo nga lang sa palengke sa Calihan na kasi kami napatira. Nagbago din ang trabaho ni papa nagtinda na lang siya ng mga laruan, yung perang naipon namin nung sa bayan pa kami napatira ay ginawang kapital ni papa para makapag negosyo ng laruan. Sa una maganda ang takbo ng negosyo ngunit naglaon nauubos ang kapital ni papa ng walang tinutubo kaya napilitan na lang siyang magtrabaho bilang delivery boy ng harina. Kung saan saang lugar siya napapapunta, tuwing araw ng sabado siya nauwi at linggo ng gabi ito naalis. Alam kong mahirap na trabaho iyon kaya pinagbubuti ko ang aking pag-aaral. Hanggang sa dumating yung araw na nagpasya si papa bumalik kame sa dati naming tirahan sa bayan. Ang bahay at scooter na naatikha ng pamilya namin ay aming pinagbenta dahil sa wala na kaming kapera-pera. Nagsimula kami ng panibagong buhay mahirap kasi ang estado ng naging buhay namin doon sa nabili naming bahay naging tindero na ulit si papa ng isda sa palengke, kahit ganoon ang trabaho niya mas naging maganda ang buhay namin. Tuwinhg araw ng linggo nasimba kami upang magpasalamat sa biyayang binibigay ng Diyos sa amin. Naging mas masaya at masagana ang aming buhay. Grade VI na ako at doon parin kami nakatira. Ayos parin naman lahat kahit papaano, nagkaroon ulit kami ng bagong sasakyan wave at owner type jeep. Sa eskwelahan masaya naman ako maganda ang estado ng aking pag-aaral. Naging player din ako ng taekwondo sa kabutihang palad napili ako para lumaban sa division meet di nga lang ganoong ka palad dahil bronze medal lang ang nakuha ko. Grumaduate naman ako ng matiwasay at maayos.Mag hihigh school na ako kaya pinag ipunan nina mama at papa ang aking pagpasok sa pribadong paaralan ngunit sa di inaasahang pangyayari nag dalang tao ang aking mama kaya di natuloy na pumasok ako sa pribadong paaralan. Masakit man ito sa akin dahil inaasahan ko pero pinilit ko parin silang intindihin.

High school na ako at sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ako pumasok, noong una ayaw ko talaga ditong pumasok dahil sa ang mga kaibigan ko noong elementary ay sa private pumasok. Akala ko magiging mahirap para sa akin ang magkaroon ng kaibigan ngunit hindi naman pala. MArami akong nakilala dahil sa naging miyembro din kasi ako ng Drum and Lyre band sa eskwelahan. Sa pagiging mahilig ko magsayaw nag-audition ako bilang majorette ng naturang banda, naging masaya naman ako kahit papaano. Nang magtatapos na ang taon nagkaroon ang eskwelahan namin open concert naging interesado ako dito, kaya nag-audition din ako. Ang hirap ng naging audition namin kasi ang daming estudyante ang nagkaroon ng interes dito. Sa pagtatapos naging masaya naman ang lahat-lahat sa pagiging freshmen ko sa dizon high. Sa sumunod na taon isang magandang regalo ang binigay sa akin ng panginoon naging section B ako. Naging mahirap sa akin sa umpisa dahil halos lahat ng kamag-aral ko ay bago. LAhat naman sila ay naging mabait sa akin, naging ka-close ko silang lahat. Dito narin pumasok ang isa sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko naging official TIKLAD member ako. Maraming estudyante ang nangangarap na makapasok. Maraming bagay na unang beses ko lang naramdaman dito. Maraming kompitisyon din kaming pinasukan. Cheerdance competition, MARDIGRAS 2009, ANILAG 2009 at guesting sa Lakan at Mutya ng San Pablo. NAhubog ako dito at maraming lugar din akong napuntahan. Sa pagtatapos bilang sophomore naging sobrang makabuluhan ang taon na ito sa akin.

Friday, February 18, 2011

Ang talambuhay ni Rose Anne I. Lorenzo

Ako ay may masayang pamilya dahil sa aking mga magulang bagamat kami ay hindi mayaman kami ay may masayang pamilya. At lubos na nag mamahalan at nag uunawaan. Lubos akong nag papasalamat dahil sila ang aking magulang at hindi ako nagsisisi kung nasaan akong katayuan ngayon. Para sa akin ay ang pamilya ang pinaka mahalagang tao sa iyong buhat at sila lamang ang lubos na nakakaunawa at nakakaintindi sa iyo kaya naman masasabi kong mahal na mahal ko ang aking pamilya.


Dito mag sisimula ang kwento nag aking buhay at ng aking pamilya.

Larawan ng kasal ng aking mga magulang


Itong nasa larawan ang aking mga magulang ang aking ina na si Jocelyn Isaac at ang aking ama na si Mario Lorenzo. Makikita sa larawang ito ang kanilang pag iisang dibdib ng aking mga magulang. Nais kong ilahad bago sila mag isang dibdib at ang kwento ng kanilang buhay.


Amg aking ama na si Mario Lorenzo ay matagal nang may pag tingin sa aking ina. Nag kakilala sila nang pumasok sa Laguna College (LC) dahil ang kapatid ng aking ama ay kaklase at kaibigan ng aking ina. Nung una ay walang pag tingin ang aking ina sa aking ama nakikita nya langh ito pag pag napunta sa bahay dahil kapatid ito ng aking ama o tiyahin. At lumipas ang panahon sila nag kakilala nang lubusan at nakuha ang loob nang aking ina kaya nag pasya ang aking ama na ligawan ang aking ina, at hindi nag tagal ay napasagot at nag kaibigan sila at tumagal sila ng tatlong taon at hindi kalaunan ay nag pasya silang mag pakasal at nag kasundo ang kani-kanilang magulang na sa San Pablo Cathedral sila mag isang dibdib at doon naging ganap na Jocelyn I. Lorenzo ang aking ina.

Dahil sa pag mamahalang iyon ay nabuo kaming mag kakapatid. Ang unang sinilang ng aking ina at panganay kong kapatid ay si Nelson I. Lorenzo na ngayon ay may edad na syang dalawamput tatlo at na sumunod pag kalipas ng tatlong taon ay nasundan na at ang tinuturi kong ate na si Apple Karen I. Lorenzo at syempre ako na pinangalanang si Rose Anne I. Lorenzo at binansagan o may palayaw na “daday “ na nasundan pag karaan ng apat na taon. Ang aking bunsong kapatid ay si Jomar I. Lorenzo labing dalwang taon.

Naging bunga kami nang pag mamahalan ng aking mga magulang. Nang ipinag bubuntis ako nang aking mama ay pinag lihi ako sa talangka. At nang ipinangak ako ay inabot sa bahay ipanganak at nang ilabas ako ay akala ay patay na ako at hindi ako agad umiyak at kulay violet ako nang iniluwal sa sinapupunan ng aking ina.

Ako at ang aking Ina

Ako ay sinilang noong Enero 21, 1995. Ito ang aking larawan makalipas ang 10 buwan. Makikita sa larawang ito na kulot ang aking buhok at malusog dahil inalagaan at ibinigay lahat nang aking pangangaylangan.

At dahil sa kanilang pag aalaga at pag aaruga ay ako ay lumaki nang mabuti at mapagmahal. Dati ay akala nila ako ay sobrang lusog ngunit nang ako ay mag kasakit ay ay biglang pumayat na ang sabi nang doctor ay ako daw ay “Panas” at kulang sa dugo at may sakit na anemic pero hindi ako pinabayaan nang aking mga magulang at gumaling naman agad at nagging malusog din.

Nung ako ay 2 taong gulang

Ito naman ang aking larawan ng ako ay dalawang taong gulang mahilig sa laruan at masaya na basta may laruan, ako ay simpleng bata lamang at mabait. Dito na sa San Pablo ako lumaki pamula pag kabata at nagka muwang na. Lumaki akong Masaya na kasama ang buong kamag anak, mga pinsan, tiyo, tiya, lolo at lola. At hinding hindi ko malilimutan ang aking lolo ako ang pinaka paborito niyang apo at siya ang nag tawag sa akin nang “baleleng” na nakuha sa kanta dahil ayon ang paligi kinaknta sa akin pag ako ay pinapatulog at mahilig kasi sa musika at gitara ang aking lolo.

Sa kalungkutan, nang ako ay dalawang taong gulang ay sumakabilang buhay na ang aking pinaka mamahal na lolo. Nung ako ay bata pa ay hindi ko lubos maintindihan kung bakit nawala ang lolo ko o simakabilang buhay at sinasabi kong natutulog lang ito. Ngunit pag daan nang panahon ay lubos ko na itong naunawaan habang ako ay lumalaki at nag kakaisip.


pinaparangalan ako noong nag tapos ng
pag aaral sa elementarya

At di nag tagal ako ay pumasok at nag aral dito sa San Pablo makikita sa larawang ito na ako ay kinder garden pa lamang at mag tatapos na o gagaraduate na at magiging isa nang ganap na elementary. At dahil san a pag uusapan na din naman ang pagiging elementarya hindi nag tagal ay nakatpos ako sa antas nang Grade 1,2,3,4,5,6 at sa awa at tulong nang Diyos ay hindi ko naranasang tumigil sa pag aaral at sa pagiging elementary dito ako nag simulang mag kakaibigan sa eskwelahan, natutong mag tampo, malungkot, magalit, mamg away, at mag karoon nang inspirasyon.

Sa larawang ito ako ay mag tatpos na nang elementarya at gagraduate na. At makikita dito na binibigyan ako nang parangal at sinasabitan nang aking mahal na mama.




Ngayon ako ay nasa ika-4 na antas nang secondarya o high school na napasok sa aking pinag mamalaking paaralan sa San Pablo ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Nang una ako ay nanibgo dahil ang simpleng bata ay parang biglang nag iba na dati rati’y ay iba ang kulay nang damit naka tsinelas lamang at wala pang pakialam sa sarili kahit pawisan at iba pa. nang nagging 1st year ako ay may mga konting pag babago gaya nang mas dumami ang mga kaibigan natutong gumawa nang mga kalokohan gaya nang pag cucutng classes at dumaan ang mga panahon nagging 2nd year, 3rd year at madami akong mga natutunan nakaranas nang bumaba ang marka pabayaan ang pag aaral nag karoon nang mga inspirasyon at mga nobyo at iba pa pero sa mga pag kakamaling iyon ay doon ako natuto at mag sikap at hindi naman nag tagal ngayong 4th year high school ay mas tumaas pa ang marka dahil ako ay nag sikap at nagging mas matiyaga. Sa mga darating na mga araw nalalapit na ang pg tatpos ko nang pagiging sekondarya. At inaalay ko ito sa akong mga magulang sa ibaba makikita ang kasalukuyang larawan nang buo naming pamilya.




Ito ang larawan ng buo at masaya naming Pamilya