Sunday, February 20, 2011

Ang talambuhay ni Carl Lionel R. Gonzales

Noong ako na ay 16 na taon

Magandang araw po sa inyong lahat. Ako po si Carl Lionel Rillo Gonzales, lumaki sa isang simpleng pamumuhay sa piling ng aking mga magulang.

Ako po ang nagiisang anak ng aking mga magulang na sina Leonilo A. Gonzales at Rosalie R. Gonzales.

Sa aming pamilya lima lang kaming magpipinsan. Ako po ang panganay na pinsan nila. Kasunod ang aking pinsang babae na si Patricia G. manalo , Amiel Faye G. concepcion , Vincent G. Concepcion at ang bunsong si Seth Andrei G. Concepcion. Kami ngayon ay masayang namumuhay sa isa’t –isa. Ito po ang aming larawan na magkakasama sa pagsamba namin.

Ako at ang aking mga pinsan 

Marami akong naranasang paghihirap ganun na rin ang mga kaginhawaan na pinagkaloob sa akin ng Diyos na dakila sa lahat. Binagyan niya ako ng mga magulang na mapag-aruga at mabait. Sila ang pinaka “The Best”.
Naging sandigan ko ang aking mga tito at tita higit na dito ang aking tiya na si Cristina A. Gonzales. Siya ang tutustos sa aking pag-koklehiyo at nagbibigay tulong pinansyal sa aming pamilya. Ito ang aming litrato na kasama ko siya na hinatid sa Airport patungong Amerika.

Ako  at aking tita

Noong tumuntong na ako sa gulang na 11 kami ay lumipat sa isang simpleng bahay. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan at kalaro sa aming barangay. Nagsilbi silang tulong upang ako ay maging husto sa aking sarili. Ang iba kong mga kaibigan ay nagsilbing ehemplo ng malakas na pagtawag sa Diyos upang masagot ang lahat kong mga problema noong kami’y nasa Sta. Monica pa lamang. Naging Kaklase ko si Wilyn Balitaan na ngayon ay nasa pangalawang seksyon ng ika-apat na taon sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.

Sa aking paglaki at pagtungtong sa pagiging binata natutuhan kong mag ayos ng mabuti sa aknig sarili at pagiging madasalin upang magabayan ako ng Diyos sa aking pag-aaral.

Ang panahon nga naman napakabilis lumipas at tumuntong na agad ako High School. 1St year pa lamang ako agad ay naging presidente ng maraming asignatura. Ako rin ay naging soprts writer sa aming dyaryo sa Ramon, Isabela. Ako rin ay naging Clean and Green president sa aming eskuwelahan. Ako po ang kauna-unahang 1st year na studyante na nagkamit ng mataas na katungkulan sa aming paaralan. Masaya ang naging karanasan ko sa Isabela, nagsilbi ito na hindi hadlang ang edad upang magkamit na mataas na katungkulan.

Kapag Sabado at Linggo ako ay nagtitinda ng bibingka at cassava cake ng aking tiyahin uoang magkaroon ng pera upang panggastos sa aking pag-aaral.
Naging malungkot ako na lisanin namin ang Isabela upang mag aral sa minmahal kong San Pablo. Lumipat ako doon ng ako ay nagtapos sa unang taon ng High Scool. Nagkaroon ako nang maraming kaibigan at ang matalik kong mga kaibigan sa pangalawang taon ng aking High School ay sina Joden De Jesus at July Banaag. Sila ang naging sandigan ko.

Sa pagtutungtong ko sa ika-tatlong taon ng pagiging High School ako ay napababa ng seksyon dahil sa aking skait ang pagiging absenero sa aming klase. Kahit ganon ang nangyari sa akin ako ay nagkaroon pa rin ng maraming kaibigan sa aking seksyon.
Naging pinaka-masaya ang aking ika-apat na taon sa High School. Dahil doon ako nagkaroon nang maraming inspirasyon upang makapagtapos ng aking pag-aaral at maiahon ang aking pamilya sa paghihirap. Hindi ako titigil sa pagsisikiap upang matamo ang aking mga tinatamong pangarap.

Sa tagal kong nag-aaral sa mundong ito, napagtanto ko na hindi madali ang buhay sa Pilipinas. Kaya pinagsisikapan kong makapunta ng ibang bansa upang magkaroon ng sapat na buhay ang aking mga magulang.

Sa ngayon, tintamasa ko ang mga kaginhawaan sa pinansyal, sosyal , at emosyanal na estado ng aking buhay. Sila Mark Hernandez, Patrick Kyle Alvero at iba ko pang kaklase sa ika-apat na taon ng pagiging High School ang nagsilbing magagaling na kamag-aral ko at kaibigan.

Lumipat rin kami ng tirahan, sa Isabela, Sta. Monica, Pasig iba pang mga lugar bago ako makatuntong ng permanente dito sa San Pablo.

Grade III ako noon, nahihirapan ang aking tatay sa pag-hahanap ng trabaho upang maihahon kami sa kahirapan ganun na rin sa aking pag-aaral. Malayo kasi sa palengke dahil napilitan kaming lumipat. Naapaayos ang aming buhay ng kami ay lumipat na sa San lucas II ng tirahan. Lumipas ang isang taon naging maasenso kami kaya naahon kami ng aking tatay ng bahagya sa kahirapan. Nagkaroon kami ng sariling bahay na simple na malayo sa polusyon ng bayan.

Nagbago din ang trabaho ng aking tatay dahil siya ay namimili na ng mga alahas. Ang perang nalilikom namin sa araw- ay sapat na sa aming pamilya at panggastos sa aming kuryente at tubig. Ang aking ina naman ay meron ring trabaho sa opisina. Siya rin ang tumutulong sa aking tatay upang matutusan ang aking pag-aaral.Kapag walng puhunan ang aking ang aking tatay upang pamili ng alahas, ang nanay ko ang sumasaklolo sa aking tatay upang magkaroon ng puhuhanan sa pamimili ang aking tatay.

Noong ako ay 12 taon

Pagkatapos ng pag-aaral ko sa ika-apat na baitang, lumipat ulit kami sa Sta. Monica upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Kung saan- saang lugar kaminapapapunta, tuwing araw ng Huwebes at linggo,kami ay sumasamba upang magbigay puri sa Dakilang Diyos. Alam kong mahirap na trabaho ang ginagawa ng aking mga magulang kaya lagi kaming sumasamba upang humingi ng tulong sa Kanya. Hanggang sa dumating yung araw na nagpasya kami na tapusin ko ang elementarya sa Sta. Monica.

Bumalik kami sa dati naming tirahan sa Isabela. Ang bahay namin doon ay simple lamang ngunit puno ng kasiyahan.Kaya doon ako natuto magtinda ng bibingka at cassva cake upang magkapera. Nagsimula akong nagtinda ulit ng ako ay 1st year student doon.
Nanibago ulit doon buhay- mahirap dahil nakasanayan kong maginhawa ang buhay ko sa Sta. Monica. Balik naman ulit ang aking mga magulang sa kani-kanilang trabaho sa Isabela. kahit ganoon ang trabaho nila, msaya kaming namumuhay roon.Tuwing araw ng linggo, nasumasamba ulit kami sa Dakilang Diyos.


Nagpapsalamt kami lagi sa Diyos sa buhay namin. Naging mas masaya at masagana ang aming buhay. Bumalik ulit kami sa San Pablo upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Ayos pa rin naman kaming tatlo kahit papaano, nagkaroon ulit kami ng panibagong masayang buhay dito. Sa eskwelahan masaya naman ako maganda ang estado ng aking pag-aaral. Naging player din ako ng taekwondo sa kabutihang palad napili ako para buhay. nakikisalamhuha ako sa aking mga kaklasae at mga kagandahang asal at aral ang nakuha ko. Gagradute sana ako matiwasay at maayos.Mag co-college na ako kaya pinag ipunan na namin ang aking pagpasok sa St. Benildes sa pagdedesisyon ko at ang aking mga magulang.Ipagpaptuloy ko ang aking pagsisikap atpapasok ako ng mabuti sa papasukan kong eskuwelahan.

Ako at ang aking kuya



Salamat po sa inyong pagbabasa.!!!

1 comment: