Saturday, February 19, 2011

Talambuhay ni Jennise Inah De Leon Visleño

Eto ako ngayon

Ako si Jennise Inah De Leon Visleño kasalukuyang nasa ika 15 taong gulang. Ipinanganak ako noong Hunyo 15,1995 sa San Pablo City Hospital. Ang nagluwal sa akin ay si Jenny De Leon Visleño at ang tagapagtaguyod naman ng aming pamilya ay si Dennis Anouñuevo Visleño.

ako noong 1 yr. old

Panganay ako sa aming tatlong magkakapatid. Sa murang edad nakapag-asawa kaagad ang aking ina. Disi-otso anyos pa lamang siya nang mabuntis at disi-syete lamang ang ama ko. Ayon sa aking mga magulang nahirapan silang itaguyod ako dahil hindi pa sila ganoong kahanda para sa pag-aasawa, ngunit kahit ganoon hindi naman sila nagkulang sa pagpapalaki sa akin. Ganoon rin sa aking dalawa pang kapatid na sina Janine Maicha De Leon Visleño na 14 na taong gulang at si Mark Daniel De Leon Visleño na 3 taong gulang.


kme ng kapatid ko. 5 yrs. old ako

Noong 5 taong gulang ako kasalukuyang nakatira kami sa Brgy. San Anton. Ang aking ama ay maagang napalayo sa akin dahil sa kanyang trabaho sa Maynila, mahirap ito sa akin kasi bata pa ako parati akong naiyak kapag naalis na ang ama ko. Tuwing linngo ng gabi ito naalis at sabado ng gabi ito nauwi.Sa mga panahong ito ako ay kasalukuyang napasok ng Day Care I sa pinaka malapit na eskwelahan sa tahanan namin. Isa narin akong mananayaw noong bata pa lang ako. Napili ako ng guro ko bilang participant sa gaganaping day care event sa San Pablo City. LAking tuwa ng aking ina, lagi siyang nandoon at pinalalakas ang loob ko dahil sa matapang ang tagapagturo namin at natatakot ako. Ito ang pinaka unang beses kong sumayaw sa buhay ko at di ko ito malilimutan.
noong grumaduate ako ng day care I
Grumaduate ako ng Day Care I na si mama lang ang nandoon ngunit ayos lang iyon sa akin dahil ginagawa ni papa na mapalayo para makapag-aral ako. Umuwi ako ng aming tahanan na may dalang medalya at tuwang-tuwa naman ang aking papa.

Kme ni papa sa Villa Escudero
Grade I ako ng mapalipat ulit kami ng tahanan sa Brgy. San Joaquin, ito ay bahay ng aking lola. Malayo ito sa aking pinapasukan sa San Pablo Central School kasi ako nag-aral. Si Mrs. Tabanggay ang naging guro ko dito napaka bait niya. Ganoon parin laging nasa tabi ko ang aking ina hanggang sa recess,tanghalian ay lagingt nadoon siya upang gabayan ako. Patuloy parin ang aking pagsayaw, naimbitahan ako noon sa isa malaking magaganap na palabas sa central gym. Nadoon parin ang aking inang sumusuporta hanggang sa maimbitahan din akong sumayaw sa Pista Nang Pagkabuhay na ginaganap tuwing Mahal na araw. Isa ako sa naging angels noon under ito ng Villa Escudero, Sobrang laking oportunidad nito sa akin. Dito ko naranasan na unang beses makakita ng artista at si Aiza Seguerra ito. Dahil sa pagsayaw ko sa Pista Nang Pagkabuhay may Free Trip kami sa Villa Escudero, napaka ganda ng lugar na ito kaya hanggang ngayon ay hindi ko ito makalimutan. Maraming bagay na unang beses ko lang nakita at naramdaman dahil sa Villa Escudero.


Lumipat kami ng tirahan, sa bayan na ulit kami napatira. Grade II ako noon, nahihirapan kasi si papa dahil sa palengke siya nagtatrabho. Malayo kasi sa bayan ang San Joaquin bukid kasi ito kaya napilitan kaming lumipat. Lalong naging maganda ang buhay namin ng mapalipat kami ng tirahan. Lumipas ang taon naging maasenso kami kaya nakabili ang ama ko ng scooter at bahay. Nagkaroon kami ng sariling bahay malayo nga lang sa palengke sa Calihan na kasi kami napatira. Nagbago din ang trabaho ni papa nagtinda na lang siya ng mga laruan, yung perang naipon namin nung sa bayan pa kami napatira ay ginawang kapital ni papa para makapag negosyo ng laruan. Sa una maganda ang takbo ng negosyo ngunit naglaon nauubos ang kapital ni papa ng walang tinutubo kaya napilitan na lang siyang magtrabaho bilang delivery boy ng harina. Kung saan saang lugar siya napapapunta, tuwing araw ng sabado siya nauwi at linggo ng gabi ito naalis. Alam kong mahirap na trabaho iyon kaya pinagbubuti ko ang aking pag-aaral. Hanggang sa dumating yung araw na nagpasya si papa bumalik kame sa dati naming tirahan sa bayan. Ang bahay at scooter na naatikha ng pamilya namin ay aming pinagbenta dahil sa wala na kaming kapera-pera. Nagsimula kami ng panibagong buhay mahirap kasi ang estado ng naging buhay namin doon sa nabili naming bahay naging tindero na ulit si papa ng isda sa palengke, kahit ganoon ang trabaho niya mas naging maganda ang buhay namin. Tuwinhg araw ng linggo nasimba kami upang magpasalamat sa biyayang binibigay ng Diyos sa amin. Naging mas masaya at masagana ang aming buhay. Grade VI na ako at doon parin kami nakatira. Ayos parin naman lahat kahit papaano, nagkaroon ulit kami ng bagong sasakyan wave at owner type jeep. Sa eskwelahan masaya naman ako maganda ang estado ng aking pag-aaral. Naging player din ako ng taekwondo sa kabutihang palad napili ako para lumaban sa division meet di nga lang ganoong ka palad dahil bronze medal lang ang nakuha ko. Grumaduate naman ako ng matiwasay at maayos.Mag hihigh school na ako kaya pinag ipunan nina mama at papa ang aking pagpasok sa pribadong paaralan ngunit sa di inaasahang pangyayari nag dalang tao ang aking mama kaya di natuloy na pumasok ako sa pribadong paaralan. Masakit man ito sa akin dahil inaasahan ko pero pinilit ko parin silang intindihin.

High school na ako at sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ako pumasok, noong una ayaw ko talaga ditong pumasok dahil sa ang mga kaibigan ko noong elementary ay sa private pumasok. Akala ko magiging mahirap para sa akin ang magkaroon ng kaibigan ngunit hindi naman pala. MArami akong nakilala dahil sa naging miyembro din kasi ako ng Drum and Lyre band sa eskwelahan. Sa pagiging mahilig ko magsayaw nag-audition ako bilang majorette ng naturang banda, naging masaya naman ako kahit papaano. Nang magtatapos na ang taon nagkaroon ang eskwelahan namin open concert naging interesado ako dito, kaya nag-audition din ako. Ang hirap ng naging audition namin kasi ang daming estudyante ang nagkaroon ng interes dito. Sa pagtatapos naging masaya naman ang lahat-lahat sa pagiging freshmen ko sa dizon high. Sa sumunod na taon isang magandang regalo ang binigay sa akin ng panginoon naging section B ako. Naging mahirap sa akin sa umpisa dahil halos lahat ng kamag-aral ko ay bago. LAhat naman sila ay naging mabait sa akin, naging ka-close ko silang lahat. Dito narin pumasok ang isa sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko naging official TIKLAD member ako. Maraming estudyante ang nangangarap na makapasok. Maraming bagay na unang beses ko lang naramdaman dito. Maraming kompitisyon din kaming pinasukan. Cheerdance competition, MARDIGRAS 2009, ANILAG 2009 at guesting sa Lakan at Mutya ng San Pablo. NAhubog ako dito at maraming lugar din akong napuntahan. Sa pagtatapos bilang sophomore naging sobrang makabuluhan ang taon na ito sa akin.

No comments:

Post a Comment