Friday, February 18, 2011

Ang talambuhay ni Rose Anne I. Lorenzo

Ako ay may masayang pamilya dahil sa aking mga magulang bagamat kami ay hindi mayaman kami ay may masayang pamilya. At lubos na nag mamahalan at nag uunawaan. Lubos akong nag papasalamat dahil sila ang aking magulang at hindi ako nagsisisi kung nasaan akong katayuan ngayon. Para sa akin ay ang pamilya ang pinaka mahalagang tao sa iyong buhat at sila lamang ang lubos na nakakaunawa at nakakaintindi sa iyo kaya naman masasabi kong mahal na mahal ko ang aking pamilya.


Dito mag sisimula ang kwento nag aking buhay at ng aking pamilya.

Larawan ng kasal ng aking mga magulang


Itong nasa larawan ang aking mga magulang ang aking ina na si Jocelyn Isaac at ang aking ama na si Mario Lorenzo. Makikita sa larawang ito ang kanilang pag iisang dibdib ng aking mga magulang. Nais kong ilahad bago sila mag isang dibdib at ang kwento ng kanilang buhay.


Amg aking ama na si Mario Lorenzo ay matagal nang may pag tingin sa aking ina. Nag kakilala sila nang pumasok sa Laguna College (LC) dahil ang kapatid ng aking ama ay kaklase at kaibigan ng aking ina. Nung una ay walang pag tingin ang aking ina sa aking ama nakikita nya langh ito pag pag napunta sa bahay dahil kapatid ito ng aking ama o tiyahin. At lumipas ang panahon sila nag kakilala nang lubusan at nakuha ang loob nang aking ina kaya nag pasya ang aking ama na ligawan ang aking ina, at hindi nag tagal ay napasagot at nag kaibigan sila at tumagal sila ng tatlong taon at hindi kalaunan ay nag pasya silang mag pakasal at nag kasundo ang kani-kanilang magulang na sa San Pablo Cathedral sila mag isang dibdib at doon naging ganap na Jocelyn I. Lorenzo ang aking ina.

Dahil sa pag mamahalang iyon ay nabuo kaming mag kakapatid. Ang unang sinilang ng aking ina at panganay kong kapatid ay si Nelson I. Lorenzo na ngayon ay may edad na syang dalawamput tatlo at na sumunod pag kalipas ng tatlong taon ay nasundan na at ang tinuturi kong ate na si Apple Karen I. Lorenzo at syempre ako na pinangalanang si Rose Anne I. Lorenzo at binansagan o may palayaw na “daday “ na nasundan pag karaan ng apat na taon. Ang aking bunsong kapatid ay si Jomar I. Lorenzo labing dalwang taon.

Naging bunga kami nang pag mamahalan ng aking mga magulang. Nang ipinag bubuntis ako nang aking mama ay pinag lihi ako sa talangka. At nang ipinangak ako ay inabot sa bahay ipanganak at nang ilabas ako ay akala ay patay na ako at hindi ako agad umiyak at kulay violet ako nang iniluwal sa sinapupunan ng aking ina.

Ako at ang aking Ina

Ako ay sinilang noong Enero 21, 1995. Ito ang aking larawan makalipas ang 10 buwan. Makikita sa larawang ito na kulot ang aking buhok at malusog dahil inalagaan at ibinigay lahat nang aking pangangaylangan.

At dahil sa kanilang pag aalaga at pag aaruga ay ako ay lumaki nang mabuti at mapagmahal. Dati ay akala nila ako ay sobrang lusog ngunit nang ako ay mag kasakit ay ay biglang pumayat na ang sabi nang doctor ay ako daw ay “Panas” at kulang sa dugo at may sakit na anemic pero hindi ako pinabayaan nang aking mga magulang at gumaling naman agad at nagging malusog din.

Nung ako ay 2 taong gulang

Ito naman ang aking larawan ng ako ay dalawang taong gulang mahilig sa laruan at masaya na basta may laruan, ako ay simpleng bata lamang at mabait. Dito na sa San Pablo ako lumaki pamula pag kabata at nagka muwang na. Lumaki akong Masaya na kasama ang buong kamag anak, mga pinsan, tiyo, tiya, lolo at lola. At hinding hindi ko malilimutan ang aking lolo ako ang pinaka paborito niyang apo at siya ang nag tawag sa akin nang “baleleng” na nakuha sa kanta dahil ayon ang paligi kinaknta sa akin pag ako ay pinapatulog at mahilig kasi sa musika at gitara ang aking lolo.

Sa kalungkutan, nang ako ay dalawang taong gulang ay sumakabilang buhay na ang aking pinaka mamahal na lolo. Nung ako ay bata pa ay hindi ko lubos maintindihan kung bakit nawala ang lolo ko o simakabilang buhay at sinasabi kong natutulog lang ito. Ngunit pag daan nang panahon ay lubos ko na itong naunawaan habang ako ay lumalaki at nag kakaisip.


pinaparangalan ako noong nag tapos ng
pag aaral sa elementarya

At di nag tagal ako ay pumasok at nag aral dito sa San Pablo makikita sa larawang ito na ako ay kinder garden pa lamang at mag tatapos na o gagaraduate na at magiging isa nang ganap na elementary. At dahil san a pag uusapan na din naman ang pagiging elementarya hindi nag tagal ay nakatpos ako sa antas nang Grade 1,2,3,4,5,6 at sa awa at tulong nang Diyos ay hindi ko naranasang tumigil sa pag aaral at sa pagiging elementary dito ako nag simulang mag kakaibigan sa eskwelahan, natutong mag tampo, malungkot, magalit, mamg away, at mag karoon nang inspirasyon.

Sa larawang ito ako ay mag tatpos na nang elementarya at gagraduate na. At makikita dito na binibigyan ako nang parangal at sinasabitan nang aking mahal na mama.




Ngayon ako ay nasa ika-4 na antas nang secondarya o high school na napasok sa aking pinag mamalaking paaralan sa San Pablo ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Nang una ako ay nanibgo dahil ang simpleng bata ay parang biglang nag iba na dati rati’y ay iba ang kulay nang damit naka tsinelas lamang at wala pang pakialam sa sarili kahit pawisan at iba pa. nang nagging 1st year ako ay may mga konting pag babago gaya nang mas dumami ang mga kaibigan natutong gumawa nang mga kalokohan gaya nang pag cucutng classes at dumaan ang mga panahon nagging 2nd year, 3rd year at madami akong mga natutunan nakaranas nang bumaba ang marka pabayaan ang pag aaral nag karoon nang mga inspirasyon at mga nobyo at iba pa pero sa mga pag kakamaling iyon ay doon ako natuto at mag sikap at hindi naman nag tagal ngayong 4th year high school ay mas tumaas pa ang marka dahil ako ay nag sikap at nagging mas matiyaga. Sa mga darating na mga araw nalalapit na ang pg tatpos ko nang pagiging sekondarya. At inaalay ko ito sa akong mga magulang sa ibaba makikita ang kasalukuyang larawan nang buo naming pamilya.




Ito ang larawan ng buo at masaya naming Pamilya

3 comments:

  1. masaya pala ang pamilya mo bakit pinili mo maging KABIT sa iyong paglaki at pagkatapos ng kolehiyo? Iyan ba ang natutunan mo sa paaralan mo, MS. ROSE ANNE I. LORENZO? Manira ng pamilya para mapunuan ang kakatihan ng iyong katawan? Pagkatapos mo maghasik ng kalandian sa GERRY'S GRILL sa BDO ka naman ngayon. kaawa awang mga magulang. nagkaroon ng anak na walang delikadesa. sayang ang perang pinaghirapan para lang ikaw ay makapag tapos.

    ReplyDelete